Mga paliparan sa Regions 1 at 2, pansamantalang isinara ngayong araw dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian

Pansamantalang isinara ngayong araw ang operasyon ng ilang paliparan sa Northern Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Kabilang sa sinuspinde ang operasyon ng Laoag International Airport bunga ng malakas na ulan at zero visibility kung saan hindi makita ang runway.

Suspendido rin ang operasyon ng Lingayen Airport, Baguio Airport, Vigan Airport at Basco Airport.


Ito ay dahil sa wala na ring linya ng komunikasyon sa naturang paliparan matapos maputol ang internet connections.

Dahil dito, awtomatiko ring kanselado ang flights sa naturang mga lugar.

Binaha rin ang runway ng Lingayen Airport na karaniwang ginagamit ng flying schools.

Tiniyak naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling intact ang mga pasilidad sa naturang mga paliparan at walang naitalang pinsala.

Wala rin aniyang nasaktan na mga kawani ng mga nabanggit na airport.

Facebook Comments