
Naka-heightened alert na ang 44 na paliparang pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ito’y dahil sa magiging epekto pa rin ng Bagyong Crising.
Ayon kay CAAP Director General Raul del Rosario, inatasan na niya ang mga airport manager na ihanda ang kanilang Airport Emergency Plans partikular na sa mga paliparan sa Naga, Legazpi, Virac, at Masbate sa Bicol Region na pangunahing apektado ng sama ng panahon.
Maigi ring makipag-ugnayan sa mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) offices para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at kahandaan sa naturang bagyo.
Samantala, tiniyak naman ng CAAP na fully operational ang mga paliparan sa Bicol sa kabila nang kanseladong flight na DG-6171 at DG-6172 na biyaheng Clark hanggang Masbate at vice versa.
Una nang pinayuhan ang mga apektadong pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa gagawing refund o pag-rebook ng kanilang flight.









