
Target ng House Blue Ribbon Committee o Committee on Good Government and Public Accountability na busisiin ang mga palpak at mga ghost projects ng gobyerno.
Ayon sa Chairman ng Komite na si Manila 3rd District Representative Joel Chua, alinsunod ito sa pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ukol sa mga nangyayaring katiwalian sa ilang mga proyekto.
Sabi ni Rep. Chua, aalamin nila ang mga isyung may basehan ukol sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan at ‘yon ang kanilang sisimulang pag-aralan.
Binanggit din ni Chua na sa oras na mabuo na ang komite ay agad nilang pagtutuunan ng pansin ang mga resolusyon na mairerefer sa kanila na humihirit ng imbestigasyon.
Facebook Comments









