Mga palpak na modules, huwag isisi sa mga guro ayon kay Sen. Risa Hontiveros

Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na hindi maaaring isisi sa mga guro ang palpak na Self-Learning Modules (SLMs) na ipinamahagi sa mga estudyante.

Ayon kay Hontiveros, hindi kasalanan ng mga guro ang mga sablay na modules lalo na’t minadali ang pagbubukas ng klase.

Dahil din sa pagmamadali, hindi nakagawa ang Department of Education (DepEd) Central Office ng standardize learning modules at hindi nito nasuri ng maayos ang mga modules.


Iginiit pa ng Senadora na natambakan din ng trabaho ang mga guro, bukod kasi sa paghahanda sa klase at sa pagtuturo ay ginagawa na rin nila ang pagbabalangkas ng mga modules.

Sinabi pa ni Hontiveros na nagsariling sikap ang regional department ng DepEd na maglabas ng sariling modules dahil sa hindi nakagawa ang DepEd Central Office ng standardize na mga bersyon ng modules.

Hinikayat naman ni Hontiveros ang DepEd na bumuo ng technical working group na bubuuin ng mga master teachers at mga eksperto na siyang tututok sa paggawa at screening ng mga modules kung saan inirekomenda rin niya na kumuha ng dagdag na guro, mga proof reader at mga learning assistant para masigurong maayos ang mga modules.

Facebook Comments