MGA PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, DINADAGSA NG MGA MAMIMILI ISANG ARAW BAGO ANG PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

Dinagsa ng mga mamimili ang iba’t ibang pamilihan sa Dagupan City isang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, habang abala ang mga residente sa pamimili ng ihahanda para sa Media Noche.

Mula madaling araw, kapansin-pansin ang dagsa ng tao sa mga palengke kung saan mabili ang mga bilog na prutas, karne, isda, gulay, at iba pang sangkap na karaniwang inihahanda tuwing bisperas ng bagong taon.

May ilan ding mamimili na nagpasyang maagang mamili upang makaiwas sa mas matinding siksikan.

Ayon sa ilang tindera, inaasahang mas dadami pa ang mamimili habang papalapit ang hapon at gabi, bagama’t may ilan ang nagiging maingat sa pagbili dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa matataong lugar, bantayan ang mga personal na gamit, at sumunod sa kaayusan sa palengke upang maging ligtas at maayos ang pamimili sa pagsalubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments