Nagpapasalamat ang ilang pamilya na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ipinamahaging bigas ng gobyerno.
Ito’y sa pangunguna at utos na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan ipinapamahagi ang mga bigas na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).
Nasa 1,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng bigas nanggaling sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Maynila kung saan todo pasalamat sila dahil sa makakatipid sila sa pang-araw-araw na gastusin.
Pero ang bawat mga miyembro ng 4Ps ay hinati sa mga antas mula level 1, level 2, at level 3, o mga pamilyang nasa iba’t ibang level ng pamumuhay kaya’t hindi parehas ang matatanggap nilang suplay ng bigas.
Kaugnay nito, sinisigiro naman ni Pangulong Marcos na ligtas ang mga ipinapamahaging smuggled na bigas para sa bawat pamilya na lubos na nangangailangan ng suporta.
Muling nilinaw ni Pangulong Marcos na sapat ang supply ng bigas sa buong bansa at wala dapat ikapangamba ang mga Pilipino dahil laging umaaksyon ang pamahalaan upang matigil na ang hoarding at ang labis na pagtaas ng presyo ng bigas merkado.
Ito naman na ang ika-apat na serye ng pamamahagi ng bigas na pinangunahan ng Office of the President at Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula noong Setyembre 20 ngayong taon.