Mga pamilya na naapektuhan din ng Localized ECQ sa Visayas at Mindanao, makatatanggap din ng pinansiyal na tulong ayon sa DSWD

Nagsimula na rin ang pamamahagi ng special cash aid sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao na apektado ng Localized Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang tulong pinansyal ay bigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Naglabas na ng P2.6 billion pondo ang DSWD Field Office 6 para sa 600 libong pamilya sa Iloilo Province kabilang ang Iloilo City.


Inaasahan na ring makatanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo sa Cagayan de Oro City at Gingoog City matapos mapirmahan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD at concerned Local Government Units (LGUs).

Mahigit P978.8 million na pondo ang inilaan para sa 191,956 pamilya sa Cagayan de Oro City at 53,000 sa Gingoog City sa Misamis Oriental.

Facebook Comments