Makatatanggap ng tulong pinansiyal ang nasa 400 pamilya na nawasak ang tirahan matapos tangayin ng malalaking alon at malakas na hangin.
Partikular ang mga nakatira sa Isla Puting Bato at Parola Compound sa Tondo.
Ayon kay Manila City Department of Social Welfare Director Re Fugoso, naananatili sa Delpan Evacuation Center ang mahigit 700 pamilya na naapektuhan ng habagat mula sa dalawang lugar sa Maynila.
Aniya, nasa P10,000.00 ang ibibigay sa mga nawalan ng tirahan habang P3,000.00 para sa mga pamilya na partially damaged ang bahay.
Bukod pa ito sa mga serbisyong medikal at food packs na ipinagkakaloob sa mga nasalanta habang nananatili sila sa evacuation centers.
Patuloy rin na mino-monitor ang kanilamg kalusugan upang masiguro na ligtas sila sa anumang sakit.