Mga pamilya ng 74 na namatay sa pagtama ng Bagyong Kristine at Pepito sa Bicol, binigyan ng ayuda ng DSWD

Inanunsyo ng Pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kabuuang P18.5-M tulong pinansyal ang ipinamigay sa 74 pamilya na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagtama ng Bagyong Kristine at Pepito sa rehiyon ng Bicol.

Ayon sa DSWD ang bawat pamilya ay tumanggap ng P250,000 bilang tulong pinansiyal, bukod sa mga grocery pack na may laman na bigas at iba pang mga delata.

Paliwanag pa ng DSWD, ang proyektong ito ay naglalayong makapagbigay ng ginhawa at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, pati na rin sa pagtugon sa iba pa nilang mga pangangailangan.


Nagpahayag ng pasasalamat naman ang mga benepisyaryo sa DSWD sa kanilang malasakit at suporta.

Facebook Comments