MGA PAMILYA SA ISABELA NA LUMIKAS, NAKABALIK NA SA KANILANG TAHANAN

Ligtas ng nakabalik sa kani-kanilang tahanan nitong Lunes, ika-26 ng Setyembre taong kasalukuyan ang nasa kabuuang 33 na mga pamilya o 121 na indibidwal matapos magsagawa ng Pre-emptive Evacuation.

Ayon sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Constante Foronda, Provincial Director ng PDRRMC Isabela, isinagawa ang paglikas sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela partikular sa mga bayan ng Divilacan, Palanan, at Ramon dulot ng Supertyphoon Karding.

Kaugnay nito, nakaalerto pa rin ang PDRRMC Isabela para sa patuloy na monitoring sa lalawigan. Ating pakinggan ang pahayag ni Atty. Foronda.

Samantala, inalis na rin ang Gale Warning sa mga coastal towns ng Isabela kaya’t nasa Lokal na Pamahalaan na ng mga bayan kung papayagan ng pumalaot ang maliliit na mga sasakyang pandagat batay sa kanilang assessment at monitoring.

Facebook Comments