Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 600 na Family food packs ang ibinigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong ‘Kiko’ sa bayan ng Calayan, Cagayan.
Isinakay sa bangka ang karto-kartong mga food packs mula Aparri port hanggang sa isla ng Camiguin at nakahanda nang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.
Samantala, umaabot naman sa 85 na pamilya ang tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na may kabuuang halaga na Php425,000.00 na kinuha mula sa pondo ng Office of the President sa inisyatibo ni Sen. Bong Go.
Tinatayang nasa 217 na pamilya na binubuo ng 696 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong ‘Kiko’ habang may 16 kabahayan naman sa nasabing bayan ang nasira dahil sa bagyo.