Wednesday, January 21, 2026

Mga pamilyang apektado ng gutom, bumaba sa 41.5% sa ilalim ng Walang Gutom Program

Bumaba sa 41.5% mula sa dating 48.7% ang bilang ng mga beneficiary household na nakararanas ng food insecurity sa ilalim ng Walang Gutom Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa pamahalaan, ang pagbaba ay resulta ng direktiba ng pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas paigtingin ang anti-hunger programs ng gobyerno.

Kabilang sa mga programang nakatulong na mabawasan ang gutom ang pamamahagi ng food stamps sa mga kwalipikadong pamilya.

Binuksan din ng pamahalaan ang Walang Gutom Kitchen sa FB Harrison sa lungsod ng Pasay na nagsisilbing food bank at soup kitchen.

Dito, may libreng almusal at tanghalian na ibinibigay sa publiko, na umaabot sa humigit-kumulang 700 katao ang napapakain araw-araw.

Target ng administrasyong Marcos na tuluyang matugunan ang food insecurity ng may humigit-kumulang 750,000 households pagsapit ng 2027.

Facebook Comments