Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bahagya pang nadagdagan ang bilang ng mga pamilya na apektado ng Bulkang Mayon.
Ayon sa record ng DSWD, aabot na sa 10,112 na pamilya o katumbas ng 38,989 na indibidwal ang apektado mula sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Paliwanag ng DSWD sa nabanggit na bilang nasa 5,337 na pamilya o katumbas ng 18,736 na indibidwal ang namamalagi sa 28 evacuation centers.
Dagdag pa ng ahensiya na nasa 403 naman na pamilya o katumbas ng 1,413 na indibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa kanilang mga kamag-anak.
Tiniyak naman ng DSWD na mayroon silang sapat na pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng bulkan at sa katunayan umano aabot sa ₱2.8 billion ang available resources ng DSWD.