Kinumpira ng tagapagsalita ng Mandaluyong City Government na si Jimmy Isidro na nasa 34 na pamilya ang kanilang inilikas kahapon habang nananalasa ang Bagyong Ulysses.
Mula sa nasabing bilang, siyam sa kanila ay mula sa Barangay Daang Bakal na nakatira sa may creek.
Habang ang 26 na pamilya naman ay sa bahagi ng Kalentong na nakatira malapit sa San Juan River.
Kahapon, namahagi ng tinapay at relief good si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos sa mga inilikas.
Inihayag naman ni Isidro na halos wala naman nasirang mga ari-arian, maliban sa bumagsak na poste ng kuryente sa may Barangka Drive, kung saan isang kotse ang tinamaan.
Nagpasalamat naman si Isidro sa mga residente ng lungsod sa pagsunod nito sa mga babalang ibinigay kaugnay sa Bagyong Ulysses, kaya naman walang nasakatan o nasawi sa bagyo.