Mga pamilyang inilikas sa Muntinlupa City dulot ng Bagyong Quinta, umabot ng 362

Umabot sa 362 na pamilya o 1,514 na mga indibidwal ang inilikas ng lokal na pamahalaang ng Muntinlupa matapos silang maapektuhan ng Bagyong Quinta.

Ito ay batay sa tala ng Muntinlupa City Disaster and Emergency Division.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ang mga inilikas na pamilya mula sa Barangay Poblacion, Putatan, Bayanan, Alabang, Cupang, Buli at Sucat ay nakatira sa gilid ng Laguna de Bay o flood prone areas ng lungsod.


Ilang pampublikong paaralan ng lungsod gaya ng Itaas Elementary School, Muntinlupa Elementary School, Alabanag Elementary School at Cupang Senior High School ang ginawang evacuation center.

Kasama rin dito ang Poblacion Barangay Hall, Bayanan Baywalk Covered Court, Cupang Plaza Covered Court at Buli Covered Court and Multipurpose Hall.

Facebook Comments