Mga pamilyang naapektauhan ng COVID-19 na bibigyan ng cash assistance, isang beses lang dapat makatanggap – DSWD

Isang beses lamang dapat makatanggap ng cash assistance ang bawat pamilyang naapektuhan matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, bukod sa Social Amelioration Program tulad ng ibinibigay na employment assistance ng DOLE ay mayroon pang ibang ayuda na ibinibigay ang pamahalaan.

Aniya, nasa ₱5,000 hanggang ₱8,000 lamang ang dapat na matanggap ng isang pamilyang Pilipino na kuwalipikado sa cash aids sa pamamagitan ng Social Amelioration Card.


Dagdag pa ni Bautista na posibleng sumobra o dumoble ang tulong na ibibigay ng naturang ahensiya sakaling hindi ito ma-validate nang maayos.

Bukod pa sa kanilang ahensiya ay nagbibigay rin ng tulong pinansyal ang Departmet of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Facebook Comments