Manila, Philippines – Patuloy na minomonitor ng Department of Social Welfare and Development ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Gorio sa ilang bahaig ng Luzon partikular sa National Capital Region.
Sa interview kay Assistant Director Carlos Padolina ng DSWD disaster response unit, naka-stand by lamang ang kanilang quick response teams at social welfare and development teams, provincial and municipal action teams, at pantawid pamilya parent leaders sa oras na kailanganin ng tulong.
Ayon pa kay Padolina, kanila din tinitignan ang kalagayan ng halos dalawang daang pamilya mula Valenzuela at Malabon na nasa evacuation center kung saan mismong ang local government ang siyang nag-aasikaso sa kanila.
Nakahanda na din ang kanilang pondo at mga food packs sa mga field offices na maari nilang ipamahagi anumang oras.
Kasalukuyan naman naka-blue alert level status ang DSWD at wala naman silang naitatalang nawawala, sugatan o nasawi ng dahil sa habagat at bagyong Gorio.
Mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Gorio, patuloy na minomonitor ng DSWD
Facebook Comments