
Nadagdagan ng halos 20,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Mirasol.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat na sa 21,592 pamilya o katumbas ng higit 78,000 indibidwal ang apektado ng bagyo.
Ito ay mas mataas kumpara sa 13,000 pamilya o 50,815 indibidwal na naitala kahapon.
Sa naturang bilang, mahigit 300 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers habang halos 8,000 naman ang pansamantalang nakikituloy sa mga kaanak.
Lima ang naitalang totally damaged na kabahayan at apat ang partially damaged.
Samantala, nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit P2.2 milyon halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong probinsya kabilang ang family food packs.
Facebook Comments









