Mga pamilyang naapektuhan ng lockdown sa Brgy. 28 Zone 3 Caloocan City, tiniyak na mabibigyang tulong

138

Tiniyak ni Kagawad Willie Dalusong ng Barangay 28 Zone 3 Caloocan City ang hakbang ng kanilang barangay sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.


Ayon kay Dalusong, inumpisahan na nila nitong nakaraang linggo ang pagpapaabot ng tulong sa pamilyang lubos na naapektuhan ng ECQ.

Maayos din, aniya, ang koordinasyon ng lahat sa barangay kaya napapanatili ang malinis na kapaligiran.

Kasabay nito, sinabi ni Dalusong na wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang barangay.

Pero patuloy naman, aniya, ang paghihigpit nila sa mga residente na lumalabas ng bahay para maiwasan ang sakit na COVID-19.

Facebook Comments