Mga pamilyang naapektuhan ng pag-uulan sa Visayas at Mindanao, umabot na sa higit 190,000 ayon sa DSWD

Umaabot na sa 191,407 na pamilya ang naapektuhan ng sunod-sunod na pag-uulan sa may bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa isang panayam kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Asec. Romel Lopez, katumbas ito ng 759,98 indibidwal kung saan mula ito 1,118 na barangays na naapektugan ng pag-uulan mula pa noong imonitor nila ito noong December 2022.

Sinabi pa ni Lopez na nasa 3,985 families ang nananatili pa rin sa evacuation center kung saan patuloy silang nakamonitor dito.


Aniya, katuwang nila ang mga Local Government Unit (LGU) para siguruhing natutugunan ang pangangailangan ng mga pamilya mula sa 66 na evacuation centers sa Region 5,9,10 at Caraga.

Dagdag pa ni Lopez, dahil sa patuloy na pag-ulan nagkakaroon sila ng mga challenge na mapuntahan ang mga barangay na nangangailangam ng tulong kung saan sinisikap nila na maabot o matunton ang mga ito.

Sa kasalukuyan, nasa P63 million na ang naipamahaging tulong ng DSWD kasama ang mga LGU nakinabibilangan ng mga food item, hygiene kit at kitchen kit.

Nasa P120 million naman na financial assistance ang naipamahagi na rin ng DSWD para sa 24,676 benepisyaryo sa ilalim ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations.

Kasalukuyan pa rin nakamonitor ang DSWD sa kalagayan ng mga indibidwal na apektado ng mga pag-uulan kung saan may mga nakauwi na mula sa mga evacuation center pero nangangamba sila na magbalikan ang mga ito kung magpapatuloy ang masamang lagay ng panahon.

Facebook Comments