MGA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG PAGTUMBA NG MGA PUNO SA BAYAN NG LAOAC DAHIL SA BAGYONG BETTY, NABIGYAN NG TULONG MULA SA DSWD

𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 – Natanggap na ng mga pamilyang apektado ng bagyong Betty ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Bagama’t hindi naglandfall ang bagyong Betty sa kalupaan ay nakaapekto pa rin ang dalang hangin nito kung saan dahil sa malakas na hangin, natumba ang ilang puno sa bayan ng Laoac na naging sanhi ng pagkasira ng ilang kabahayan ng nasa limang pamilya.
Kabuuang 10 Family Food Packs (FFPs), 5 hygiene kits 5 sleeping kits, 5 family kits, 5 kitchen kit, at 2 laminated na sako ng bigas.

Bukod sa mga ito, tumanggap din ang mga apektadong pamilya mula sa ahensya ng DSWD at sa Lokal na Pamahalaan ng Laoac bilang tulong sa kanilang muling pagpapatayo ng kanilang bahay.
Labis-labis naman ang mga residenteng ito dahil sa natanggap nilang mula sa ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments