Mga pamilyang nakararanas ng involuntary hunger sa bansa, bumaba

Bumaba ang bilang ng pamilyang Pilipinong nakakaranas ng involuntary hunger.

Ang involuntary hunger ay isang uri ng gutom na nararanasan ng pamilya kapang walang makakain.

Base sa 3rd quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), 9.1% o katumbas ng 2.3 Million Filipino families ang nakaranas ng gutom.


Mababa ito kumpara sa 2.5 Million na pamilya na naitala noong Hunyo.

Mula sa nasabing bilang, 1.8 Million na pamilya ang nakaranas ng moderate hunger o ilang beses lamang walang makain, habang nasa 426,000 na pamilya naman ang nakaranas ng severe hunger o madalas walang makain.

Ang survey ay isinagawa mula September 27 hanggang 30 sa 1,800 adult respondents sa bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Facebook Comments