Mga pamilyang nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD sa ilalim ng SAP, higit P17.3 milyon na

Higit P17.3 million benepisyaryo o 95.9% ng 18 million low-income family sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang nakatanggap na ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa SAP monitoring report na inilabas ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, hanggang kahapon (Mayo 17), P97.7 billion o 96% na ng P100 billion SAP funds sa unang tranche ng cash aid ang naibigay na sa mga benepisyaryo sa 17 rehiyon.

Kabilang dito ang P81.7 billion SAP funds na naibigay sa Local Government Units (LGUs) habang P79 billion naman ang naibigay sa higit 13 milyong pamilyang hindi kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Samantala, umabot naman sa 62,028 ang bilang ng mga pamilya ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) at Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nakinabang sa SAP.

Facebook Comments