Nilinaw ng Malacañang na kasama pa rin ang mga mahihirap na pamilya na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa makakatanggap ng second tranche ng Social Amelioration Program.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay lamang sa ngayon ang memo na galing sa Office of the Executive Secretary na nagsasaad na kasama pa rin sa second tranche ang mga nasa lugar na umiiral ang MECQ.
Una nang inihayag ng Palasyo na ang mga kwalipikadong nakatira lamang sa lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang mabibigyan ng ayuda.
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ ay ang Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City.
Facebook Comments