Mga pamilyang nakatira sa mga lugar na nakataas ang ECQ, makakatanggap ng ayuda ayon sa Malakanyang

21

Tiniyak ng Malakanyang ang matatangap na cash aid ng mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong kung saan may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ.


Kinabibilangan ito ng; Iloilo province, Iloilo, Cagayan de Oro City at Gingoog City.

Ani pa ni Roque, manggagaling ang pondo sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals to Crisis Situation (AICS).

Facebook Comments