Mga pamilyang nasalanta ng bagyo, dapat mabigyan ng access sa COVID-19 testing ayon sa OCTA

Nanawagan ang OCTA Research Team sa pamahalaan na magpatupad ng accessible testing, epektibong contact tracing at supportive isolation facilities para sa mga pamilyang lumikas dahil sa mga nagdaang bagyo.

Sa report ng OCTA mula November 9 hanggang 15, hinimok nito ang mga Local Government Units (LGUs) na paghusayin pa ang strategies at conditions sa mga evacuation centers para matiyak na hindi naipasa ang COVID-19 sa mga evacuees.

Kabilang dapat sa mahigpit na ipinapatupad ang social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields.


Batay sa report, bumaba sa 4% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, pasok sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na below 5%.

Ang reproduction rate sa Metro Manila ay bumaba sa 0.71 mula sa 0.82.

Ang mga LGUs na itinuturing na high-risk ay:

• Makati City
• Baguio City
• La Trinidad at Itogon (Benguet)
• Batangas City
• Lucena at Lopez (Quezon)
• Davao City
• Pagadian

Ang Baguio at Davao City ay nasa ilalim ng urgent concern.

Nakiusap din ang researchers sa pribadong sektor na paigtingin ang kanilang efforts sa pagbibigay ng safe workplaces, pagbibigay ng testing, pagsunod sa minimum health standards, at pagpapatupad ng epektibong contact tracing.

Facebook Comments