MGA PAMILYANG NAWALAN NG TIRAHAN MATAPOS MASUNUGAN SA LUNGSOD NG SAN CARLOS, NAABUTAN NG TULONG MULA SA DSWD R1

Naiabot na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 ang mga tulong para sa dalawang pamilyang nawalan ng tirahan matapos masunugan ang mga ito sa barangay Cobol sa lungsod ng San Carlos.
Inilapit ang mga dalawang pamilyang ito sa kagawaran upang maabutan ng tulong upang agad na makapag-simulang matapos maganap ang trahedya kung saan agad na tinugunan ng ahensya ang kahilingan ng mga ito.
Binigyan ang mga apektadong pamilya iba’t ibang klase ng tulong gaya na lamang ng family food packs, hygiene kit, kitchen kit, sleeping kit, family kit, at laminated sack.

Bukod dito, binigyan din sila tig-P10,000 para mayroon silang gagamitin pambili ng mga materyales sa pagpapatayo ng kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga ipinaabot na tulong ay mula sa kasalukuyang programa ng ahensya na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) upang agad na makatulong at makaahon sa naganap na trahedya. |ifmnews
Facebook Comments