Mga pampasaherong jeep, pwede nang bumiyahe sa Antipolo City

Nagbunyi ang mga jeepney driver ng mga pampasaherong jeep matapos na payagan silang bumiyahe sa Antipolo City.

Naniniwala ang mga jeepney driver na malaking tulong na inilagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Antipolo City para mapahintulutan silang bumiyahe mula sa Padilla hanggang Masinag.

Base sa guidelines ng Department of Transportation (DOTr), dapat ay 50% lamang ang mga pasahero sa loob ng jeep.


Halimbawa kung dati ay 20 ang sakay ng pampasaherong jeep, ngayon dapat ay 10 lamang ang pasahero alinsunod sa direktiba ng DOTr upang masunod ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mahigpit ipatutupad ang social distancing.

Bukod sa mga pampasaherong jeep, mayroon ding mga tricycle na bumiyahe sa Antipolo City at mangilan-ngilan na mga taxi na pumapasada dahil nasa GCQ na ang Antipolo City.

Facebook Comments