Patuloy na tinitiyak ang kaayusan sa araw-araw na operasyon ng iba’t-ibang establisyimento at samahan sa Hundred Islands National Park partikular ang transportasyon ng mga turista sa bawat isla.
Kamakailan ay nagsagawa ng inspeksyon ang Tourism and Cultural Affairs Office ng Alaminos sa mga bangka na ginagamit ng ilang samahan ng mga motorboat operators mula sa Anda bilang pangunahing nag-babyahe patungo sa national park.
Tiniyak din na may kaukulang Tourism Certification ang mga motorboats bilang pagsasalegal ng kada transaksyon sa mga dumarayo.
Inaasahan na makakatulong sa paglago ng turismo sa lungsod ang naturang aktibidad kasunod ng posibleng pagdagsa ng mga turista at pilgrims sa pagsapit ng long weekends at holy week. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments