Hindi lamang tricycles at jeepneys ang kinakailangang madikitan ng regulatory sticker dahil maging ang lahat na Public Utility Vehicles (PUV) na Dagupan-bound, o mga pampasaherong sasakyan na dumadaan sa Dagupan ay kinakailangan na ring makapag-install ng decal sticker.
Pati ang mga bus, mini-bus at mga PUJ, hangga’t may operasyon sa syudad ng Dagupan ay layuning maging kabilang sa mga sasakyang iinstallan ng regulatory stickers ng POSO Dagupan.
Pagkatapos namang maipamahagi ang libreng regulatory sticker sa mga PUV drivers sa lungsod hanggang sa ika-30 ng Marso ay magkakaroon na ng penalty sa mga mahuhuling pampublikong sasakyan na walang sticker.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pag-install ng sticker at mayroon mga nakatakdang schedule para sa mga ito.
Matatandaan na nasa halos 1200 pa lang sa 3250 na mga tricycles ang may decal sticker habang ang para sa mga jeepney naman ay nagpapatuloy sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento para mabigyan ng nasabing sticker. |ifmnews
Facebook Comments