MGA PAMPASAHERONG SASAKYAN SA CALASIAO, NABABAHALA SA PAGDAMI NG MGA NAMAMALIMOS SA KALSADA

Nababahala ngayon ang mga namamasadang jeepney sa bayan ng Calasiao dahil sa mga kabataang sumasabit sa kanilang mga sasakyan para mamalimos.
Naaabala umano ang kanilang trabaho dahil sa mga namamalimos lalo kapag nagsisitakbuhan na ang mga ito sa gitna ng kalsada.
Nag aalala rin ang ilang motorista at Jeepney Drivers para sa mga namamalimos lalo at mabibilis na pagpapaandar ang ilang mga sasakyan at maaaring malagay ang mga ito sa kapahamakan.

Maging sa mga pamilihan ay nagsisulputan rin ang mga ito para mamalimos.
Ayon sa MSWD, mas dumami umano ang mga namamalimos ngayon sa kakalsadahan dahil ber months na.
Sa ngayon ay nagtutulungan ang hanay ng MSWD at PNP sa bayan para sitahin ang mga sumasabit sa mga sasakyan para mamalimos at bibigyan ng agarang aksyon ang pang-aabalang kanilang idinudulot. |ifmnews
Facebook Comments