MGA PAMPASAHERONG TRICYCLE SA DAGUPAN CITY NA NADIKITAN NA NG REGULATORY STICKER, NASA 70% NA

Nasa pitumpu’t porsyento o 70% na ang mga pampasaherong tricycle sa lungsod ng dagupan na nadikitan na ng regulatory sticker, katumbas nitong bilang ay nasa higit dalawang libong mga tricycle na.
Ganun din ang ilang pampasaherong sasakyan tulad ng mga jeepney at ilang mga buses ay nainstall-an na rin ng sticker. Ito ay upang maidentify lahat ng mga pampublikong sasakyan na dagupan bound at matukoy itong lehitimo.
Matatandaan na nasa 3250 na mga tricycles ang kabuuang bilang ng mga pumapasada dito sa lungsod.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang usad ng pag-install ng decal sticker at ayon sa pamunuan ng poso dagupan ay bukas pa rin ang lokal na pamahalaan sa pagbigay ng tyansa para sa mga iba pang hindi pa nakapag-avail ng kinakailangang sticker.
Ito ay bunsod pa rin sa pagpapaigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang matukoy na legal ang mga pumapasada sa lungsod at maiwasan ang mga colorum gayundin ang pinakareklamo ng mga pasahero, ang over pricing at overcharging.
Samantala, para sa mga jeep at iba pang puvs na dagupan bound, mayroon ng bayad na 150 pesos para makapag-avail ng sticker dahil deadline na noon pang march 31 ang libreng pagdikit ng nasabing sticker. |ifmnews
Facebook Comments