Habang abala ang ilan sa paghahanda ng mga prutas para sa Media Noche, hindi naman nagpapahuli ang mga plantita sa paghahanda ng mga pampasuwerte umanong halaman bilang bahagi ng pagsalubong sa bagong taon.
Ayon sa paniniwala, may ilang halaman na sinasabing nagdadala ng swerte at positibong enerhiya.
Kabilang dito ang snake plant na pinaniniwalaang nagtataboy ng malas, welcome plant na inaakalang humihikayat ng mga bagong oportunidad, lucky bamboo na iniuugnay sa pinansyal na kasaganaan, at pothos o money plant na simbolo ng pera at kasaganahan.
Karaniwan ding nilalagyan ng makukulay na ribbon ang mga halamang ito at maingat na inaayos bago i-display sa loob o labas ng bahay bilang paghahanda sa pagpasok ng bagong taon.
Gayunpaman, paalala ng mga plant enthusiast na gabay lamang ang mga paniniwalang ito.
Nanatili pa ring nakasalalay sa sipag, diskarte, at tamang pagpapasya ng bawat isa ang tunay na swerte at tagumpay sa darating na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








