Mga pampubliko at pribadong establisyimento, pinaghahanda ng wheelchair para sa mga PWDs at iba pang may parehong pangangailangan

Oobligahin ang mga pampubliko at pribadong establisyimento na laging may nakahandang wheelchair para sa mga persons with disabilities (PWDs) at sa mga taong may kaparehong pangangailangan.

Nakasaad ito sa House Bill 8436, kung saan layong palakasin ang efforts ng gobyerno para sa pagpapabuti sa accessibility ng serbisyo at mobility ng mga PWDs at iba pang indibidwal na may parehong pangangalaga na kailangan tulad ng mga senior citizens at mga buntis.

Ayon kay Assistant Majority Leader Anthony Peter Crisologo, may-akda ng panukala, patuloy na itinuturing na national concern ang pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga PWDs.


Ang wheelchair na magiging available sa mga public at private establishments ay para sa “public use”.

Tinitiyak ng panukala na palaging natutugunan, napapahalagaan at sinusuportahan ang pangangailangan ng mga PWDs.

Sa oras na maging ganap na batas ay pagmumultahin ang mga establisyimentong hindi susunod ng P5,000.

Facebook Comments