Itinaas na ng Department of Health (DOH) sa “Code White Alert” ang mga pampublikong ospital sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na ibig sabihin nito ay handa na silang tumanggap ng mga pasyenteng mapipinsala ng paputok ngayon pa lamang.
Nakahanda na rin ang mga gamit ng DOH na pamputol ng parte ng katawan ng tao na matinding napinsala dahil sa paputok.
Nagpaalala naman ang ahensya sa publiko lalo na sa mga kabataan na gawing ligtas ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon at huwag maging pasaway sa paggamit ng paputok para maiwasan ang pagkaputol ng mga daliri.
Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang DOH ng higit 100 kataong nasagutan dahil sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.