Target ng lokal ng pamahalaan ng Dagupan maging mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang mabigyan ang mga pampublikong paaralan ng STARBOOKS o ang Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated KioskS, ito ay isang digital offline library sa ilalim ng programa ng Department of Science and Technology o DOST.
Sa ngayon ay nauna nang tumanggap ang limang public schools ng lungsod nito lamang Sept.7 ng mga computer sets, ito ang mga Pantal Elementary School, Victoria Zarate ES, Calmay ES, T. Ayson ES, at Lucao ES sa naganap na kailan lamang turnover ng nasabing proyekto.
Layon nitong makapagbigay ng mga mga impormasyong kinakailangan ng mga mag-aaral, mga guro at mga researcher na mga aralin at na nakaayon sa Science, Technology, and Innovation – based content sa iba’t-ibang format.
Sa naganap na regular session ngayong araw ng Martes ay target din ng tanggapan ng SP na makapagpamahagi ng mga computer sets sa iba pang mga pampublikong paaralan sa lungsod na mapapakinabangan ng mga bata at kabataang Dagupeño para sa ikauunlad ng kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments