Handa na ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Quezon habang papalapit na ang pasukan ng klase sa October 5, 2020.
Ininspeksyon ni Quezon C Mayor Joy Belmonte ang ilang pampublikong paaralan sa lungsod ng Quezon upang makita ang kanilang kahandaan sa papalapit na pasukan.
Walong classrooms at dalawang laboratoryo ang binuksan sa Manuel Roxas High School bukod sa conference room, guidance councilors office, clinic, library, principals office at computer rooms.
Dinagdagan din ng 16 na classrooms ang Quirino High School habang ang Batino Elementary School ay nagdagdag ng 12 classrooms.
Ayon sa alkalde, nakita niya na ilang printed materials ay nasa mga paaralan na para ipamahagi sa mga mag-aaral.
Bagamat online classes ang magaganap ngayong taon, minabuti na rin ng lokal na pamahalaan na ayusin at dagdagan ang mga classroom ng ilang public schools.
Tinitiyak lang ng Quezon City government na handa ang mga eskuwelahan sakaling payagan na ang face to face classes.
Base sa datos, mahigit sa 400 libong mag-aaral ang naka enroll sa 156 public elementary at high schools sa lungsod ngayong 2020-2021.