Ipapakalat na simula ngayong araw sa buong bansa ang Anti-Colorum Enforcement Teams ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng paggunita ng Undas.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2021, layon nitong i-monitor ang mga public utility vehicle (PUV) na bumibiyahe para matiyak na nasusunod ang mga alintuntuning nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience.
Mahigpit na isasagawa ng enforcement teams ang random at road side inspection sa mga PUVs gayundin sa mga transport terminal.
Payo naman ng LTFRB sa mga driver at operator na sumunod sa minimum health safety protocols.
Ang lahat ng LTFRB Law Enforcement Personnel ay nagsusuot ng body cameras sa kanilang operasyon bilang transparency at tiwala ng publiko.