Mga pampublikong transportasyon, hinimok ng LTFRB na habulin hanggang buka ang pag-apply para sa special permits

Hanggang bukas na lamang makakapag-apply ng special permit ang mga pampublikong sasakyan para sa inaasahang holidays ngayong Oktubre hanggang Nobyembre.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director for Technical Division Joel Bolano na hinabaan nila ang effectivity ng special permits upang masakop nito ang mga ipit na araw dahil sa magkakasunod na holidays.

Sinabi pa ni Bolano, epektibo ang mga ilalabas nilang special permits mula October 20 hanggang November 6.


Sapat aniya ang panahong ito sa publiko na mailaan ang mga araw para sa bakasyon, kasama na rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30 at ang paggunita sa Undas.

Ayon pa sa opisyal, malimit ay hanggang 500 special permits ang kanilang iniisyu sa kada panahon ng bakasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Bolano na sa ikalawang linggo ng Nobyembre ay sisimulan na rin nila ang paghahanda o pag proseso ng mga special permit para naman sa panahon ng Pasko.

Facebook Comments