Wednesday, February 25, 2026

Mga panalong memorabilia ni Manny Pacquiao, idinisplay sa National PhilSports Museum bilang simbolo ng dangal ng Pilipino

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si People’s Champ Manny Pacquiao, hindi lang bilang kampeon sa boksing kundi bilang simbolo ng dangal at puso ng Pilipino.

Sa paglalagak ng ilang memorabilia sa National PhilSports Museum sa Pasig City, personal na inihatid ni Pacquiao ang dalawang trunks na ginamit niya sa mga panalong laban at isang championship belt.

Ayon sa Pangulo, ang mga ito ay hindi lang alaala ng tagumpay sa ring kundi patunay ng pagkilala ng buong mundo sa husay ng isang Pilipino.

Si Pacquiao aniya ay isang huwaran ng sipag, pananampalataya at malasakit sa kapwa.

Nagsisilbi ring inspirasyon ang bawat panalo nito sa milyun-milyong Pilipino na buong pagmamalaking itinataas ang bandila ng bansa.

Para kay Pangulong Marcos, ang tagumpay ni Pacquiao ay tagumpay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments