Mga panawagan na sabay magbitiw si PBBM at VP Sara, naaayon sa Konstitusyon

Idinepensa ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co ang mga panawagan na sabay magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte dahil sa malawakang isyu ng korapsyon.

Diin ni Co, nakabatay sa Konstitusyon ang sabayang pagbibitiw sa puwesto ng pangulo at pangalawang pangulo ng bansa upang bigyang daan ang pagkakaroon ng People’s Transition Council.

Ayon kay Co, handa ang ating Saligang-batas sa ganitong panahon o sitwasyon kung saan pwedeng umakto bilang acting President ang Senate President o House Speaker.

Dagdag pa ni Co, bahagi rin ng ganitong proseso ang pagpasa ng batas para sa pagdaraos ng special elections.

Facebook Comments