Dumarami ang mga pabor para sa extension ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Nanawagan ang League of Provinces of the Philippines (LPP), kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Para naman kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Sarte Salceda, premature ang lifting ng lockdown sa ngayon dahil sa banta na posibleng maabot ng Pilipinas ang peak ng confirmed COVID-19 cases.
Sa interview ng RMN Manila, binigyan diin ni Salceda na mas makabubuting magkaroon ng 2-weeks extension ang ECQ dahil ang mas mahabang lockdown period ay nagreresulta aniya sa mas mababang mortality rate.
Batay sa pagtataya ng University of the Philippines COVID-19 pandemic response team, posibleng pumalo sa 600,000 hanggang 1.4 million ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero dahil sa implementasyon ng ECQ, nagbago ito ay patuloy sa pagbaba ang mga kaso.
Sa ngayon ay nasa 3,246 ang nagpositibo sa COVID-19, 152 ang nasawi at 64 ang gumaling.
Inaasahan na magdi-desisyon si Pangulong Duterte sa pagpapalawig o hindi ng ECQ sa April 12 o April 14, 2020.