Mga panawagang magbitiw si Sec. Briones, peke ayon sa DepEd

129

Mariing pinasinungalingan ng Department of Education (DepEd) na mayroong lehitimong panawagan para sa pagbibitiw ni Secretary Leonor Briones.

Nabatid na may mga lumulutang na ulat kung saan libu-libong public school teachers sa Pangasinan ang nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na si Briones.


Ayon kay Education Undersecretary and Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan, ang mga panawagang magbitiw na ang kalihim ay peke.

Nagsagawa sila ng beripikasyon at lumalabas na hindi totoo ang ganitong ulat.

Ang lahat ng division supervisors sa Dagupan ay naghayag na walang panayam na nangyari o walang inilabas na statement para rito.

Iginiit ni Malaluan na ang istorya ay hinango mula sa mga ‘fake facts.’




Muling nakiusap ang DepEd sa media na maging totoo at tumpak sa mga inilalabas na balita.

Facebook Comments