Manila, Philippines – Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Jolo Sulu na ibibigay ng kanyang administrasyon ang lahat ng kanilang pangangailangan.
Sa pagsasalita ni Pangulong Duterte sa harap ng mga sundalo ng Camp General Teodolfo Bautista sa Jolo Sulu ay sinabi nito na mahal niya ang mga sundalo at tutuparin niya ang kanyang pangako na ibibigay sa mga ito ang mga kagamitang kanilang matagal nang hinahangad.
Ginawaran din naman ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-laput medals ang ilan sa mga sundalo na nakipagbakbakan sa Marawi City at binigyan din ng baril ang mga sundalo doon.
Sa nasabing aktibidad ay binigyang din ng Pangulo ng relo ang 4 sundalo na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong araw at isa sa mga ibinigay nito ay ang kanyang suot na relo.
Kasama ni Pangulong Duterte sa Sulu ay sina AFP Chief of Staff Leonardo Guerrero at Philippine Army Commanding General Rolando Bautista at iba pang matataas na opisyal ng AFP.
MGA PANGAKO TUTUPARIN │Pangulong Duterte, binisita ang mga sundalo sa Jolo Sulu
Facebook Comments