Mga pangalan na idinawit ni “Bikoy” target na rin sa imbestigasyon ng PNP

Kabilang na rin sa iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga personalidad na idinawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa kanyang sinumpaang salaysay.

Ito ay sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, isang Father Robert, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David at dating Education Secretary Armin Luistro.

Batay  sa sinumpaang salaysay ni Bikoy nakapulong daw nito ang mga nabanggit na opisyal sa magkakahiwalay na pagkakataon sa ilang  unibersidad sa Metro Manila.


Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nasa proseso na sila ng pag-validate sa mga alegasyon ni Bikoy at patuloy ang pangangalap nila ng ebidensya.

Posible rin daw nilang ipatawag ang mga personalidad na idinawit ni Bikoy sa sinumpaang salaysay para makunan ng pahayag.

Pero, kanyang nilinaw, na hindi pa rin naman sila naniniwala kay Bikoy.

Sa sinumpaang salaysay pa ni Bikoy na una na rin nitong inanunsyo sa media na pinag-usapan umano sa mga pagpupulong kung paanong isasapubliko ang pagkakadawit ng pamilya Duterte sa iligal na droga para mapatalsik ang Pangulo at masiguro ang pagkatalo ng mga kandidato ng administrasyon.

WATCH HERE: https://www.facebook.com/pnp.pio/videos/2452569438142355/

Facebook Comments