Hinimok ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang mga otoridad na ilabas na ang pangalan ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19, upang mapaunlad ang contact tracing efforts ng pamahalaan.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., kung kailangang isantabi ang data privacy para matukoy ang mga nakahalubilo ng mga tinamaan ng COVID-19 ay dapat na itong ikonsidera.
Nilinaw naman nito na hindi dapat ikahiya ang sakit dahil mas kailangang pagtuunan na maraming buhay ang maisalba.
Sa ngayon, maisasailalim na ang Metro Manila sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula bukas (August 6).
Facebook Comments