Mga pangalan ng mga nasawi at sugatang tauhan ng Philippine Air Force matapos bumagsak ang kanilang helikopter sa Isabela, isinapubliko na

Naipaalam na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng Philippine Air Force ang nangyari sa kanilang pamilya.

Kaya pinangalanan na ng AFP ang mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng helikopter sa Cauayan, Isabela kagabi.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang mga nasawi ay sina Major Christopher Cesar Urbano, ang pilot in command, Captain Fiorelio Bernardo, ang co-pilot.


Nasawi rin sina 1Lt. Mike Tuesday Tabigne at Aircrew Staff Sergeant John Christopher Taguiam.

Habang ang nakaligtas sa trahedya ay si Airman Gerry Aviles Jr. na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Dakong alas-7:00 kagabi ng bumagsak ang kanilang sinasakyang Huey helikopter habang nagsasagawa ng proficiency training para sa night flying.

Facebook Comments