Pinatatanggal ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga pangalan ng lahat ng politicians, kabilang ang kanyang pangalan, na nakalagay sa lahat ng mga primary at secondary schools sa Lungsod ng Maynila.
Ginawa ni Domagoso ang naturang hakbang bilang pagtalima sa kanyang mga policy matapos na makipag meeting sa City School Board sa Manila City Hall.
Ayon kay Domagoso, huwag pulitikahin ang mga paaralan at ipaubaya ang pamumulitika sa politicians, at ang educational institutions naman ay dapat para sa academicians.
Paliwanag pa ni Domagoso, walang epal sa pader ng eskwelahan, walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga pulitiko sa loob ng eskwelahan bawal ang epal at dapat tigilan na ng mga politiko ang pang-eepal.
Giit ng alkalde pinatatanggal nito ang lahat ng pangalan, maging ang pangalan ang kanyang pangalan ay pinaaalis din nito na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan dahil hindi naman aniya pera ng mga politiko kundi pera ng taong-bayan.