MGA PANGASINENSE, DUMAGSA SA HULING ARAW NG VOTER’S REGISTRATION

Dumagsa ang mga Pangasinense sa mga opisina at venues na itinakda ng COMELEC sa huling araw ng Voter’s Registration kahapon.
Bago ito, nauna nang inanusyo sa ilang tanggapan ng COMELEC ang paglilipat ng pagpaparehistro sa mas malaking espasyo dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga botante.
Hindi rin naiwasan na magreklamo ang ilang botante, first-time voter , at magulang na nakaranas ng problema tulad ng mahabang pila, kakulangan ng forms, at hindi nasunod na sistema sa stub.
Matatandaan na pinalawig ang operasyon ng tanggapan hanggang Sabado at Linggo upang diretsong maasikaso ang mga botante.
Nakatakdang lagdaan bukas ni PBBM ang pag-aantala ng Barangay and SK Election ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments