Hinihintay na ng mga Pangasinense ang implementasyon ng sim card registration kung saan sa katapusan ng buwan ngayong taon ang nakatakdang pag-uumpisa ng nagpareregister sa mga ito.
Ayon sa ilang mga Pangasinense, handa na umano sila upang magkaroon na ng kapayapaan sa pamamagitan ng hindi na pagtanggap ng kung anumang text scams na nagiging dahilan pagkaka scam ng ilang residente.
Matatandaan na isinulong ito sa senado dahil talamak ang pagtanggap ng mga users ng sim cards ng iba’t ibang text messages na nagiging dahilan ng scams.
Sa December 27 na ang nakatakdang araw ng umpisa ng sim card registration ngunit nagpaalala ang awtoridad na sumunod base sa SIM Card Registration Act, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na sinumang magbibigay ng maling impormasyon o gumagamit ng pekeng ID para magparehistro ng SIM ay papatawan ng anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakakulong at P100,000 hanggang P300, 000 na multa. |ifmnews